Entries for June, 2004
June 6th, 2004
TuLa Ko... POSTED AT 04:26 PM (PsY-CoH) Part I Naalala ko lang ang kahapon, ikaw ay isang larawan lamang. perpekto, maaliwalas, walang buhay... pinipiga ang utak sa ganitong mga bagay. Sa iyong imahen nabuo ang aking hugpungan, muling dumaloy ang dugo't nagbigay kahulugan sa aking mga ugat suminghap-singhap ako... Salamat sa buhay... buhay na muli mong inihatid sa akin... buhay na minsa'y ninais kong kitilin... buhay na nagbigay sa akin ng kawalang pag-asa... Buhay!!! hindi masaya ang buhay kung di ka nabuhay... kung buhay ka man at di ka nakilala ako'y wala na ring dahilang mabuhay. salamat salamat salamat... Part II Heto ako ngayon, sa pagitan ng bawat hininga nag-iisa, nagmumuni-muni at nag-iisip pagka't ang larawa'y isang saglit na kinuha sa buhay... buhay na produkto ng pag-ibig, kung pag-ibig man iyon... Muli akong natigilan... muling nalungkot... ngunit ako ay nangako, di na ako muling babalik sa mga nakaraang paghinto, alam ko na ngayon, ito'y parte lamang ng aking pag-inog sa mundo... Kaya mula dito, nais kong malaman mo na di ko malilimutan ang masasayang sandali na kasama ka... salamat salamat salamat... 10 Komento, Komento, Komento...
|
|
June 12th, 2004
Between April 13-20,2004 POSTED AT 06:52 PM as a favorite post (PsY-CoH) Dito sa kalyeng ito nagsimula... isang bahay sa metrica... sa kanto ng metrica at dapitan may tindahan ng tinapay. sa cubao may farmers plaza... goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd. chowking sa kanto ng aurora at EDSA, national bookstore sa may araneta colisium... dyip na dumaraan sa espanya, pila ng trisikel sa maceda sasakay hanggang sa kanto ng maceda at dapitan... sa kanto ng dapitan at maceda... dito sa kanto ng maceda at dapitan... lumulutang habang naglalakad sa kahabaan ng maceda hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan. Farmers Plaza sa Cubao... goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd. seattle's best sa e. rodriguez tanaw ang st. joseph college, "ground coffee" habang nagyoyosi. dyip na dumaraan sa espanya, pila ng trisikel sa maceda sasakay hanggang sa kanto ng maceda at dapitan... sa kanto ng dapitan at maceda... dito sa kanto ng maceda at dapitan... lumulutang habang naglalakad sa kahabaab ng maceda hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan. May farmers Plaza sa cubao... goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd. dunken donut na malapit sa fiesta carnival dalawang donut at "brewed coffee" tissue ng dunken donut. sa paligid ng araneta center matatagpuan ang araneta colisium, yosi "break" sa tapat ng jollibee na katabi ng national bookstore sa may araneta colisuim... dyip na dumaraan sa espanya, pila ng trisikel sa maceda sasakay hanggang sa kanto ng maceda at dapitan... sa kanto ng dapitan at maceda... dito sa kanto ng maceda at dapitan... lumulutang habang naglalakad hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan. Dito sa isang bahay sa metrica... harapan ng tindahan ng tinapay sa kanto ng dapitan at metrica... goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd. chowking sa kanto ng aurora at EDSA, national bookstore sa may araneta colisium. seattle's best sa e. rodriguez, dunken donaut na malapit sa fiesta carnival kape, yosi, dalawang donut at ang tissue. ang palibot ng araneta colisium, dyip na dumaraan sa espanya, trisikel at ang kahabaan ng maceda, kanto ng maceda at dapitan... sa kanto ng dapitan at maceda... dito sa kanto ng maceda at dapitan... mauulit pa kaya?nasaan na... nasaan na tayo?wala na... marahil alaala na lamang... ------------------------------------------------------------------ minsan akong napadpad sa mga lugar na ito...di ko alam kung bakit... pero ang sarap ng feeling...at ang saya saya...hay...maybe memories... |
|