HaLLeR!!! EmO is Gay...I LikE EmO...TheReFOrE I am GaY?!

January 18th, 2005

paalam na aking mahal...
POSTED AT 08:05 PM as a stickied, favorite post






ayun...sa lahat pu ng mga mambabasa at palaging naliligaw sa blog na ito...pasensya na kayong lahat...sapagkat ako ay magpapaalam na sa blog na ito...sa maraming kadahilanan...mawawala na ang bading na bading na bading na walang kwentang ako...marahil sa susunod na lang ulit na aking paginog sa mundong ito ako makababalik...ako pu ay yayao na sa oras na ito...paalam sa inyong lahat...mahal ko kayo!!!peace...rock on!!!
PPPPPPPPPPAAAAAAAAAAAaaaaaLLLLLLLLAAAAAAAAAAAAAAAAAAMMMMMMM
nnnnnnnnAAAAAAAAAAAAAAA sa inyong lahat...




Feeling: dead


December 26th, 2004

dalawang linggo na lang birthday ko na....
POSTED AT 07:05 PM

"Birthday Gift"

lumipas na ang pasko
parating na ang bagong taon
wala ka pa rin...

dalawang linggo na lamang
at kaarawan ko na,
sana magkita na tayo...

sana kaarawan ko...
sana'y makapumunta ka,
sana nandoon ka...

kahit wala kang dalang regalo,
ang makita at makasama ka'y
isa ng espesyal na regalo sa akin...

naalala ko tuloy ang text mo,
"ayokong magtanong kung
ano ang gusto mong regalo!"

sumagot ako sa sinabi mo,
"kahit anong regalo ayus lamang,
basta galing sa iyo.."

pero sa loob-loob ko,
"ang sabihin mong mahal mo rin ako,
yun ang gusto kong regalo.."

malapit na ang kaarawan ko
at espesyal ang araw na iyon,
pero si LeSLeY ang pinaka-espesyal sa akin...


June 12th, 2004

Between April 13-20,2004
POSTED AT 06:52 PM as a favorite post

MAYBE MEMORIES
(PsY-CoH)


Dito sa kalyeng ito nagsimula...
isang bahay sa metrica...
sa kanto ng metrica at dapitan
may tindahan ng tinapay.
sa cubao may farmers plaza...
goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd.
chowking sa kanto ng aurora at EDSA,
national bookstore sa may araneta colisium...
dyip na dumaraan sa espanya,
pila ng trisikel sa maceda sasakay
hanggang sa kanto ng maceda at dapitan...
sa kanto ng dapitan at maceda...
dito sa kanto ng maceda at dapitan...
lumulutang habang naglalakad
sa kahabaan ng maceda
hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan.

Farmers Plaza sa Cubao...
goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd.
seattle's best sa e. rodriguez
tanaw ang st. joseph college,
"ground coffee" habang nagyoyosi.
dyip na dumaraan sa espanya,
pila ng trisikel sa maceda sasakay
hanggang sa kanto ng maceda at dapitan...
sa kanto ng dapitan at maceda...
dito sa kanto ng maceda at dapitan...
lumulutang habang naglalakad
sa kahabaab ng maceda
hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan.

May farmers Plaza sa cubao...
goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd.
dunken donut na malapit sa fiesta carnival
dalawang donut at "brewed coffee"
tissue ng dunken donut.
sa paligid ng araneta center
matatagpuan ang araneta colisium,
yosi "break" sa tapat ng jollibee
na katabi ng national bookstore
sa may araneta colisuim...
dyip na dumaraan sa espanya,
pila ng trisikel sa maceda sasakay
hanggang sa kanto ng maceda at dapitan...
sa kanto ng dapitan at maceda...
dito sa kanto ng maceda at dapitan...
lumulutang habang naglalakad
hanggang makasakay ng dyip sa laon-laan.

Dito sa isang bahay sa metrica...
harapan ng tindahan ng tinapay
sa kanto ng dapitan at metrica...
goldiluck's sa kahabaan ng aurora blvd.
chowking sa kanto ng aurora at EDSA,
national bookstore sa may araneta colisium.
seattle's best sa e. rodriguez,
dunken donaut na malapit sa fiesta carnival
kape, yosi, dalawang donut at ang tissue.
ang palibot ng araneta colisium,
dyip na dumaraan sa espanya,
trisikel at ang kahabaan ng maceda,
kanto ng maceda at dapitan...
sa kanto ng dapitan at maceda...
dito sa kanto ng maceda at dapitan...
mauulit pa kaya?nasaan na...
nasaan na tayo?wala na...
marahil alaala na lamang...


------------------------------------------------------------------
minsan akong napadpad sa mga lugar na ito...di ko alam kung bakit...
pero ang sarap ng feeling...at ang saya saya...hay...maybe memories...


June 6th, 2004

TuLa Ko...
POSTED AT 04:26 PM

SALAMAT
(PsY-CoH)

Part I

Naalala ko lang ang kahapon,
ikaw ay isang larawan lamang.
perpekto, maaliwalas, walang buhay...
pinipiga ang utak
sa ganitong mga bagay.

Sa iyong imahen nabuo
ang aking hugpungan,
muling dumaloy ang dugo't
nagbigay kahulugan sa aking mga ugat
suminghap-singhap ako...

Salamat sa buhay...
buhay na muli mong inihatid sa akin...
buhay na minsa'y ninais kong kitilin...
buhay na nagbigay sa akin ng kawalang pag-asa...

Buhay!!!
hindi masaya ang buhay
kung di ka nabuhay...
kung buhay ka man at di ka nakilala
ako'y wala na ring dahilang mabuhay.
salamat
salamat
salamat...


Part II

Heto ako ngayon,
sa pagitan ng bawat hininga
nag-iisa, nagmumuni-muni at nag-iisip
pagka't ang larawa'y isang saglit
na kinuha sa buhay...
buhay na produkto ng pag-ibig,
kung pag-ibig man iyon...

Muli akong natigilan...
muling nalungkot...
ngunit ako ay nangako,
di na ako muling babalik
sa mga nakaraang paghinto,
alam ko na ngayon,
ito'y parte lamang
ng aking pag-inog sa mundo...

Kaya mula dito,
nais kong malaman mo
na di ko malilimutan
ang masasayang sandali
na kasama ka...
salamat
salamat
salamat...


« Newer | Older »
 User


PsYCoH

 Navigation
Home Content
Profile Friends
Gallery Friends Of
Links Archives
Favorites
 Tagboard
your name:

url:

your message: